Libreng Reoryentasyon sa Panitikan, idaraos sa 7-9 Setyembre
Bilang bahagi ng ika-25 anibersaryo ng Komisyon sa Wikang Filipino, magbibigay ito ng libreng seminar para sa mga guro, ang Pambansang Reoryentasyon sa Panitikan. Gaganapin ito sa 7-9 Setyembre 2016 sa Benitez Theater, Kolehiyo ng Edukasyon, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon.
Layunin ng seminar na mabigyan ng reoryentasyon ang mga guro sa pagtuturo ng panitikan na nakabatay sa likás na katangian ng panitikang Filipino at maka-Filipinong pananaw. Magkakaroon ng mga panayam at talakayan hinggil sa halaga ng panitikan sa edukasyon, estado ng panitikan sa mga rehiyon, at lápit sa pagtuturo ng panitikan. Magsasagawa rin ng pakitang-turo sa epiko, kuwentong-bayan, at panitikang rehiyonal.
Bukás ito sa mga punong guro, tagapag-ugnay, mga guro sa Filipino at panitikan sa elementarya, sekundarya, at tersiyarya na nasa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Para sa pagpapatalâ, tumawag sa (02)736-2525 lok. 105, (02)708-6972, o mag-email sa reacult@gmail.com, o mag-text sa 0929-876-5856. I-email o i-text ang buong pangalan, institusyong kinabibilangan, numero ng cellphone, at email. Ang dedlayn ng pagpapatalâ ay sa 26 Agosto 2016. Ang unang apatnapung (40) magpapatala ang mapapabílang sa seminar.
Buwan ng Wikang Pambansa 2016
Tuesday, August 23, 2016
Thursday, August 18, 2016
KWF, magbibigay ng 25% deskuwento sa lahat ng publikasyon
KWF, magbibigay ng 25% deskuwento sa lahat ng publikasyon
Magbibigay ang Komisyon sa Wikang Filipino ng 25% deskuwento sa lahat ng publikasyon sa darating na Agosto 23. Ito ay handog ng KWF bilang pagdiriwang ng kaniyang ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag.
Sa araw na iyon ay ilulunsad din ng KWF ang mga bago niyang aklat. Ang mga aklat ay mga salin ng mga panitikan ng mga rehiyon, mga klasikong akda ng daigdig, at pananaliksik sa wika at kultura. Bahagi ang mga ito ng isang pangmatagalang proyekto ng KWF na masimulan ang maaaring ituring na “Aklatan ng Karunungan” na magtatampok sa kakayahan ng wikang Filipino bílang wika ng paglikha at saliksik.
Bukod sa paglulunsad ay magkakaroon din ng huntahan sa pagsasalin ang ilang mahuhusay na manunulat na naging tagasalin ng KWF. Magkakasama sa huntahan sina Nicolas Pichay, abogado at kasapi ng Palanca Hall of Fame; Ferdinand P. Jarin, nagwagi ng NBDB National Book Award, Allan Derain, nagwagi din ng NBDB National Book Award, Michael Jude Tumamac (Xi Zuq), nagwagi sa Talaang Ginto: Makata ng Taon 2015, at Ergoe Tinio, nanalo ng Palanca Awards para sa kuwentong pambata.
Ang paglulunsad ay gaganapin sa tanggapan ng KWF, Gusaling Watson, Kalye J.P. Laurel, Malacañang Complex, San Miguel, Lungsod Maynila, mula alas-2 hanggang alas-4 ng hapon. Bukas mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ang pagbebenta ng aklat.
Para sa mga tanong at detalye, maaaring makipag-ugnayan sa KWF sa telepono bilang (02)708-6972, (02)736-2525 lok. 105
Friday, July 15, 2016
WIKA NG KARUNUNGAN
WIKA
NG KARUNUNGAN
Dr. Jennifor L. Aguilar
Kamangmangan, kamangmangan,
Ikaw ang umaalipin sa sambayanan
Ikaw ang gumagapos sa kaunlaran
Ikaw ang dahilan ng kaguluhan
Ikaw rin ang gumagahasa sa katiwasayan
Kay tagal mong nagkubli sa mga edukasyon ng dayuhan
Sa relihiyong niyakap at pananampalatayang hiram
Sa imperyalismo’t pananakop ng mauunlad na bayan
Kami’y iyong inilugmok, tinanggalan ng kasarinlan
Naghihikahos ngunit nangangarap ng aming kalayaan!
Kalayaan sa kamangmangan, kasaguta’y karunungan!
Nguni’t karununga’y makukuha ba sa wikang hindi alam?
WIKANG FILIPINO ang WIKA NG KARUNUNGAN
ng mga PILIPINO SA SARILING NATING BAYAN!
Edukasyong K-12 sagot ka raw sa kamangmangan
Outcomes-Based Education para makasabay sa ibang bayan
CMO 20 - FILIPINO’y tinanggal sa mga kolehiyo’t
pamantasan!
Hindi ba’t lahat ito’y taliwas sa prinsipyo ng karunungan?
Palibhasa’y makadayuhan ang wikang nagpoproseso sa
kaisipan
Kaya’t makadayuhan rin ang nakikitang kalutasan
Nawalan ng tiwala sa sariling kakayanan
Pananampalataya sa ibang lahi ang ipinagpipilitan
Iginigiit ang karunungang nagdadala satin sa
KAMANGMANGAN!
CHANGE IS COMING!!!
Naghuhumiyaw na SIGAW ng mga PILIPINO
Ngayo’y iniupo ang kakaibang pangulo!
Papatayin ko kayo mga P*@#&$# Ina Nyo!
Madaling maunawaan dahil nasa Wikang Filipino
Wikang Filipino, Ipaglaban!
Gamitin sa Edukasyon ng sambayanan
Itama ang K-12 at ituon sa kailangan
ng mamamayan
Maging siyentipiko, makamasa at
makabayan
CMO 20, ibasura!
Filipino’y huwag tanggalin sa Kolehiyo
Edukasyong Pilipino para sa mga
Pilipino
Patatagin ang pagkalahi, patatagin ang
pagkatao
Doon lang tayo makasasabay sa
mamamayan ng buong mundo!
Panahon nang itaguyod ang sariling
wika
Sa sariling lahi, sa sariling bansa
Walang nang iba na dito ay dadakila
Thursday, June 30, 2016
Buwan ng WIkang Pambansa 2016 Poster
Ang Buwan ng Wika ay isang pagdiriwang sa Filipinas na ginaganap tuwing buwan ng Agosto. Nagmula sa ang pagdiriwang sa Linggo ng Wika na pinalawig noong 15 Enero 1997 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa pamamagitan ng Proklamasyong Bilang 1041.
Ang buong bansa ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa iba't ibang ahesiya ang pamahalaan kabilang ang hospital, unibersidad, pamantasan, at mga lokal na pamahalaan.
Kabilang sa mga gawain ay ang pagkakaroon ng iba't ibang timpalak kabilang ang pasulat ng tula, balatasan, sabayang pagbigkas, pag-awit, paggawa ng poster, paggalwa ng islogan, pagsulat ng sanaysay, editoryal kartun, timpalak sa ng mga katutubong sayaw, lutong pinoy, at marami pang iba.
Tuesday, June 28, 2016
Subscribe to:
Posts (Atom)