Friday, July 15, 2016

WIKA NG KARUNUNGAN

WIKA NG KARUNUNGAN
Dr. Jennifor L. Aguilar

Kamangmangan, kamangmangan,
Ikaw ang umaalipin sa sambayanan
Ikaw ang gumagapos sa kaunlaran
Ikaw ang dahilan ng kaguluhan
Ikaw rin ang gumagahasa sa katiwasayan

Kay tagal mong nagkubli sa mga edukasyon ng dayuhan
Sa relihiyong niyakap at pananampalatayang hiram
Sa imperyalismo’t pananakop ng mauunlad na bayan
Kami’y iyong inilugmok, tinanggalan ng kasarinlan
Naghihikahos ngunit nangangarap ng aming kalayaan!

Kalayaan sa kamangmangan, kasaguta’y karunungan!
Nguni’t karununga’y makukuha ba sa wikang hindi alam?
WIKANG FILIPINO ang WIKA NG KARUNUNGAN
ng mga PILIPINO SA SARILING NATING BAYAN!

Edukasyong K-12 sagot ka raw sa kamangmangan
Outcomes-Based Education para makasabay sa ibang bayan
CMO 20 - FILIPINO’y tinanggal sa mga kolehiyo’t pamantasan!
Hindi ba’t lahat ito’y taliwas sa prinsipyo ng karunungan?

Palibhasa’y makadayuhan ang wikang nagpoproseso sa kaisipan
Kaya’t makadayuhan rin ang nakikitang kalutasan
Nawalan ng tiwala sa sariling kakayanan
Pananampalataya sa ibang lahi ang ipinagpipilitan
Iginigiit ang karunungang nagdadala satin sa KAMANGMANGAN!

CHANGE IS COMING!!!
Naghuhumiyaw na SIGAW ng mga PILIPINO
Ngayo’y iniupo ang kakaibang pangulo!
Papatayin ko kayo mga P*@#&$# Ina Nyo!
Madaling maunawaan dahil nasa Wikang Filipino

Wikang Filipino, Ipaglaban!
Gamitin sa Edukasyon ng sambayanan
Itama ang K-12 at ituon sa kailangan ng mamamayan
Maging siyentipiko, makamasa at makabayan

CMO 20, ibasura!
Filipino’y huwag tanggalin sa Kolehiyo
Edukasyong Pilipino para sa mga Pilipino
Patatagin ang pagkalahi, patatagin ang pagkatao
Doon lang tayo makasasabay sa mamamayan ng buong mundo!

Panahon nang itaguyod ang sariling wika
Sa sariling lahi, sa sariling bansa
Walang nang iba na dito ay dadakila

Kundi tayong mga iniluwal ng bayang sinisinta



52 comments:

  1. totoo nga na ang kamangmangan ang dahilan ng kaguluhan saan man, kaya tayo ay humahanap ng mga paraan para tayo ay umasenso. isa sa mga kasagutan na napili para tayo ay umasenso ay ang pag apruba sa k-12 ngunit kasabay din nito ay ang CMO-20 na kung saan ang mga guro sa filipino ay aalisin. paano nga naman natin mapapaasenso ang ating bansa at wika kung mismong tayo ay magaalis ng mga guro na nagmamahal sa ating bansa at wika na nagtuturo sa mga kagaya kong estudyante na binabalewala nalang ang filipino sa kadahilanang akala ko ay alam ko na ang wikang ito at akala ko'y hindi na ito kailangan pagaralan dahil alam ko na ito. kaya para sa akin ay sumasangayon ako na ibasura ang CMO-20.

    ReplyDelete
  2. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa amoy ng malansang isda. paano natin lubos na makakamit ang asensong minimithi kung ang mismong susi upang makamit ito ay ating tatanggalin, susi ng sandatang ating pang laban sa kahirapan na sanhi ng kamangmangan. wika filipino na ating susi sa sandatang edukasyon na laban sa kamangmanga.
    maaari tayong gumamit ng istilo ng dayuhan sa pag unlad ngunit kaylanman hindi naging pareho ang PAGPAPA-ALIPIN sa PAG-UNLAD

    ReplyDelete
  3. Anu nga ba ang punot dulo Ng kamangmangan?

    Katamaran at Walang tiwala .Para Ipaglaban kung ano at saan Ang ating pinggalingan.Ito Ang Mga kaugalian Na dapat mawala Sa ating Mga Filipino.Kung Saan nag resulta ang pagiging mang-mang.Kaya tayong Mga Filipino hirap Kung paano ang Gagawin natin para Sa ating bansa'y umunlad.Dahil dumedepende tayo Sa ibang bansa Sa paraan nila Kung Paano ang paraan ng pagpapaunlad Sa kanilang bansa.Diyan Nawawala Ang tiwala sa ating sarili Na Kaya naman nating ma solusyunan ang Bawat problema Na ating kinakaharap."Tiwala Lang!" Gamit ang karunungan,tiwala at ang sariling wika Kaya nating umunlad.Pero Bakit ang ating sariling wikang Filipino Ay siyang inaalis.Kaya tayo'y nasasakop at Mukang nag papasakop.Wikang ating pagkakilanlan at ating sandata.Ba't Kailangan nating pumayag alipustahin ang sariling atin at pinagkaloob Ng Mga ninuno natin.???? Paraan nang iba Hindi natin kailangang gayahin para sating Bansang kaularan.Hindi natin kailangan maging sunod-sunuran at mag pa alila sa iba.Na Alam nating Kaya natin,Na Hindi natin Kailangan Ang tulong Ng iba.Bilang estudyante sama-Sama tayong Ipaglaban at itaguyod Ang wikang ating pagkakilanlan at Kung anong ipinagkaloob Sa atin.Ika nga ito Ang araw para sa magandang pagbabago."Change is coming!!!"

    ReplyDelete
  4. Ang pinapahiwatig ng tula ay ang pagmamahal sa wika at sa karunungan. Naibabahagi ang karunungan sa pamamagitan ng wikang alam. Kung gagamit tayo ng Wikang Filipino, mas maraming makakaintindi na kapwa natin Filipino. Tulad ng Ingles na natutunan natin para makipagusap sa mga Dayuhan, dapat ang pagmamahal natin si sariling wika ay pagyamanin at pagyabungin din.

    ReplyDelete
  5. Nakakalungkot isipin na ang mga namumuno sa atin ay syang nagtutulak sa atin para kalimutan o palitan ang ating sariling wika na dapat nating tinatangkilik, iniingatan, pinapahalagahan at pinapaunlad. Dumedepende sila sa ibang bansa para lamang makasabay sa taas at kalidad ng edukasyon. Hindi ba dapat lamang na gumawa tayo ng paraan para mapaunlad ang edukasyon sa ating bansa upang hindi na tayo dumedepende o gumagaya sa ibang bansa. At bakit tatanggalin ang filipino sa kolehiyo? Bakit para pag-aralan lenguwahe ng ibang bansa? Kamangmangan nga ang nag gagapus sa atin kaya hindi tayo umuunlad.
    -Renz villasaya :)

    ReplyDelete
  6. Tama! Kamangmangan (tayo) ang dahilan kung bakit hindi umuunlad ang karunungan ng bawat indibidwal. Sa pagpapatupad ng K-12 ng hindi napaghahandaan, at sa pagpapatanggal ng subject na Filipino. Paano tayo uunlad? Kung hindi natin tinatangkilik ang sariling aton. Lagi nalang tayo tumitingin sa iba at tayo'y naiimpluwensyahan. Hindi ba matatawag iyon na kamangmangan? Tayo'y nauuto. Kailangan natin maging matalino at mapanuri para sa ikabubuti ng ating kinabukasan. Dahil ang wikang Filipino: Wika ng Karunungan dahilan upang magkaisa ang lahat at makipagsabayan sa husay at mapantayan ang galing ng ibang dayuhan. Tayo'y uunlad at panalo ang wikang Filipino.

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. Sang ayun ako sa may akda sa tulang ito niya ipinakita ang kanyang pagka Filipino at pagmamahal sa bayan at ipinahayag ang kanyang mga hinanakit at mga pinaglalaban. Hindi bat mas naunawaan natin ang kanyang nais iparating dahil sa kanyang wikang ginamit.Kamangmangan salitang kanyang pinaulit ulit alam ba ng lahat ang simpleng salita na ito.Isang salitang nagdudulot ng kahirapat at pagkabagasak. Sa katunayan hindi ibang bansa o kung sino mang nilalang ang may kasalanan ang ating unti unting pagkabagsak wala tayong ibang dapat sisihin kung hindi ang ating mga sarili wag nating ituro ang ating mga daliri sa iba harapin natin ang katutuhanang tayo mismo ang may kasalanan ng mga nangyayare sa ating kapaligiran. Halimbawa na lamang ang kabilaang pagaaway at kagulohan anu nga ba ang sanhi ng mga ito hindi bat ang hindi pagkakaunawan sa inyong palagay kung makikipag ayus tayo gamit ang ibang lenggwahe masasabi ba natin ng maayus ang nais natin iparating maiintindihan ba nila ang ating nararandaman hindi ba lalo lang magkakagulo dahin sa maling interpretasyon. Ang ating bagong Presedente nabibitaw siya ng mga matitinding salita tulad ng mga P@$#*% Ina Nyo! ramdam natin hindi ba paanu kung ibang wika yun mauunawaan ba natin hindi diba isa lang yan sa halaga ng ating wika. CMO 20 IBASURA!!. Huwag nating hayaang lalo tayong maging mangmang sa sarili nating wika aminin natin sa ating sarili ang kakulangan natin sa kaalam sa pagbabasa at pagsusulat. Sa katagang ANG HINDI MARUNONG MAGMAHAL SA SARILING WIKA AY HIGIT PA SA HAYOP AT MALANSANG ISDA na iniwan sa atin ng ating pangbansang bayani na mula pagkabata nakikita na natin sa mga aklat sigurado kabang nabasa mo na ito o nabigkas lang at isinalita naintindihan mo ba ang ibig sabihin nito paanu pa ang ibang salita na nakasulat kaya mo ba itong basahin.Iilan lamang sa atin ang marunong sumulat at mag basa wag taung magpaka mangmang simulan natin ang pagbabago sa ating mga sarili at ipalaganap ito.

    ReplyDelete
  9. WIKA NG KARUNUNGAN
    Ako'y isang kabataan na sumasangayon sa edukasyong K-12 dahil ito ay gabay para sa kamangmangan sa ating ba yan. Ang karunungan ng bawat mamamayang Pilipino ay nakukuha rin sa ating bansa.Kaya tinawag na K-12 dahil nagaaral ang ating mamamayan na hanggang Grade 12 na dating 2nd year college na ang curriculum ay BEC sa ating bansa na ang ibig sabihin pwede ka ng magtrabaho pagkatapos ng Grade 12 na ang mga kurso ay katulad ng Vocational. Kapag natapos mo ang kursong iyon at ayaw mo pa magtrabaho pwede pang ipagpatuloy hanggang ika-apat na taon sa kolehiyo kung gusto mo maging isang propessional na kurso katulad ng doktor, engineer, guro atbp.

    -Angelica Torno.

    ReplyDelete
  10. Ang pagkakaroon ng malalim na kaalaman sa ating sariling wika ang siyang tunay na karunungan nating mga Filipino. Ngunit tila mas binibigyan pa ng halaga at mas niyayakap pa ang wikang banyaga kaysa sa sariling wika. Ang ating kamangmangan sa wikang Filipino ay isa sa nagdudulot sa ating kahirapan at sa mabagal na pag-unlad ng ating bansa. Hindi ang wikang banyaga ang solusyon at hindi rin totoo na mas angat ang isang Filipino kung marunong siya ng ibang wika, ang totoo ang lahat ng wika ay pantay-pantay. Kailanma'y hindi ko nakitaan na ang paggamit ng ating sariling wika ay hadlang sa ating pag-unlad at sa sistema ng ating edukasyon kaya hindi dapat tulutan na tanggalin ito sa ating mga kolehiyo't pamantasan. Humihiyaw ang karunungan ngunit tila walang nakikinig. Tayo'y bahagi ng lipunang ito nararapat na ipaglaban ang wika sa mga makadayuhang kaisipan. Hindi tama na magpaalipin at patuloy na magpalamon sa sistemang sa paningin nila'y mas ikabubuti ng nakararami. Hindi ako galit sa dayuhang wika, galit ako sa naging kaisipan ng aking kapwa Filipino. Paano nila naaatim na ibasura ang sariling wika? Hanggang kailan pa kaya magiging mangmang, at magsisiibig sa kamangmangan? Hihintayin pa bang mamatay ang sariling wika natin? Ang sinasabi ko'y huwag tayong maging dayuhan sa ating sariling bayan - sa ating sariling wika. Huwag tayong maging mangmang!

    ReplyDelete
  11. Sumasang-ayon ka ba na tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo?Tama na na ito'y tanggalin?Ito ay napakahalaga sa atin hindi lang dahil sa isang asignatura ito.Ito ay sariling atin kaya dapat natin itong tinatangkilik,minamahal,ginagalang at ipinagmamalaki.Bilang isang mamamayang Pilipino kailangan nating maging bihasa sa sariling atin,nararapat din na ipagpatuloy ang pagtuturo nito upang magkaroon tayo ng malawak na intelektuwal na talakayan.Paano tayo uunlad kung pati sariling atin ay pilit nating tinatalikuran? Simulan na nating gumising sa katotohanan na may pag-asa kung ang sariling ati'y sama-sama nating ipaglalaban.IPAGLABAN ANG WIKANG FILIPINO!

    -Shiralyn Ann Lozano

    ReplyDelete
  12. Sumasang-ayon ka ba na tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo?Tama na na ito'y tanggalin?Ito ay napakahalaga sa atin hindi lang dahil sa isang asignatura ito.Ito ay sariling atin kaya dapat natin itong tinatangkilik,minamahal,ginagalang at ipinagmamalaki.Bilang isang mamamayang Pilipino kailangan nating maging bihasa sa sariling atin,nararapat din na ipagpatuloy ang pagtuturo nito upang magkaroon tayo ng malawak na intelektuwal na talakayan.Paano tayo uunlad kung pati sariling atin ay pilit nating tinatalikuran? Simulan na nating gumising sa katotohanan na may pag-asa kung ang sariling ati'y sama-sama nating ipaglalaban.IPAGLABAN ANG WIKANG FILIPINO!

    -Shiralyn Ann Lozano

    ReplyDelete
  13. Umiikot ang tula tungkol sa mga maaring epekto ng kamangmangan sa ating bansa na kung tutuusin ay nangyayari na sa kasalukuyang panahon. Marami itong epekto gaya ng hindi pag-unlad nang tuluyan, pagkakaroon ng kaguluhan at pagpatay sa kapayapaan.
    Isa sa mga epekto nito ay ang di nating tuluyang pag-unlad dahil sa marami sa atin kababayan ay di nakatapos ng pag-aaral at sa kasawiang palad, marami rin ang kailanman di nakaranas na makapag aral sa aktwal na silid aralan sa eskwelahan. Kakulangan sa edukasyon ang dahilan kung bakit marami sa atin ang walang trabaho o permanenteng trabaho, kapos ang sahod na ipinambubuhay sa pamilya, walang matinong tinutuluyan. Napakalaking kawalan para sa isang tao ang hindi makapagtapos ng kolehiyo dahil dito nag-uugat ang problema na pagdami ng unemployed at mga taong di kayang kumain ng tatlong beses sa isang araw. Marapat na solusyon dito ay gawing libre ang edukasyon sa Pilipinas at wag hayaang may batang di nakakapag aral ng maayos dahil sa pamamagitan nito, hindi lang sarili nila ang kanilang mapapaunlad, makatutulong pa sila sa pagpapaunlad ng bansang Pilipinas.
    Isa pang isyung tinalakay rito ay ang paggamit ng sariling wika sa pagtuturo sa mga unibersidad. Lubos akong tumututol sa pagbabawal o pagtatanggal nila ng paggamit ng wikang Pilipino sa mga unibersidad dahil parang kinalilimutan na rin natin an gating pinanggalingang wika sa ginagawang pagtanggal nito. Naiintindihan ko na ginagawa nila ito upang mapagtuunan natin ng pansin ang wikang banyaga para makasabay tayo sa ibang bansa ngunit naniniwala ako na kaya nating makipagsabayan sa ibang bansa nang di tinatanggal ang pag aaral natin ng sarili nating salita.
    Binigyaang diin rin sa tula ang edukasyong K-12, na hindi sinasangayunan ng nakararami sa atin. Isa ako sa tutol sa pagpapatupad ng K-12 system dahil una sa lahat hindi pa handa ang pamahalaan sa sistema na ito. Nagsiksikan ang napakaraming mag-aaral sa mga paaralang kulang sa pasilidad na para sa mga estudyante. Isa pang problema rito ay ang dagdag na dalawang taon ng pag aaral na ang ibig sabihin ay dagdag kayod para sa mga magulang upang mapagaral ang kanilang mga anak na dapat ay makapagtatapos na ng kolehiyo. Ang K-12 system ay kailangan pinaghahandaan upang walang maging problema para sa lahat ng mamamayang Pilipino.
    Payo ko lang sa ating Gobyerno, bago natin isipin na makipagsabayan sa ibang bansa, dapat unahin nating asikasuhin an gating mga kababayan. Isipin muna natin kung ano ang dapat unahing ayusin dahil kung tutuusin sariling atin ang dapat unahing linangin.

    -Espiritu,Jennifer Cornellie F.

    ReplyDelete
  14. Pinaunawa sa akin ng tulang ito kung ano ba talaga ang problema ng bansang Pilipinas, kamangmangan. Problemang di masolusyunan ng ating pamahalaan. Problemang dapat inuunang lutasin ngunit di binibigyang pansin. Kamangmangan ang nakapipigil sa tuloy tuloy nating pag unlad, pagkakaroon ng kaguluhan at pagkawala ng kapayapaan. Kung ating unang susugpuin o tutuldukan ang kamangmangan sa ating bansa, paniguradong gaganda ang buhay ng bawat mamamayang Pilipino at uunlad ang bansang Pilipinas.
    Pangalawang isyung tinalakay sa tula ay ang pagtanggal ng CMO 20 – FILIPINO sa mga kolehiyo’t pamantasan na nakalulungkot ng lubusan dahil sa panahon natin ngayon na mas kinakailangan pa nating pag aralan ang sarili nating wika ay tsaka naman magtatangal ng sabdyekt sa kolehiyo ukol dito. Hindi ito isang solusyon upang mas mapagtuunan natin ng pansin ang wikang ingles para makipagsabayan sa ibang bansa. Nararapat pa ring unahing unawain ang sariling wika bago ang iba.
    Ikatlong isyung tinalakay ay ang Edukasyong K-12. Isa ako sa karamihang kababayan natin na tutol sa pagpapatupad nito dahil sa maraming dahilan. Una, hindi pa tayo handa dahil kailangan ng napakalaking pondo upang makapagpagawa pa ng dagdag na mga silid aralan at dahil sa kakulangan sa pondo, maraming estudyante ang nagsisiksikan sa eskwelahan. Marami ring magulang ang umaaray dahil sa dagdag gastos ng dagdag na dalawang taon ng pag aaral ng kanilang mga anak. Sana ay siguraduhin muna ng gobyerno na handa na tayong lahat bago ipatupad ang bagong sistema ng edukasyon.

    -Bautista,Yannah C.

    ReplyDelete
  15. Minumungkahi lamang ng tula na ito ay ang kamangkamangan ay ang suliranin nating mga Pilipino kung bakit tayo ay nananatiling lugmok sa pandaigdigan bakit kailangan pa isabatas ang K-12 bakit dahil ba gusto ng mga namamahala na makasunod tayo hindi ito ang solusyon ang dapat nilang ginawa ay palawakin ang edukasyon sa bawat sulok ng pilipinas at bigyang kahalagahan ang bawat isa upang sila ay makapag aral at mamulat sa mundo pero dahil sa pagpapatupad ng K-12 sa buong bansa at kasabay nitong CMO-20 na nagtatanggal ng mga guro sa asignaturang filipino, tayo patuloy lamang na inilulugmok dahil sa sistema na ito at paano nga ba natin makakamit ang kalayaan kung sa sarili nating sinilangang bayan ay tayo ang alipin dapat lamang na ipaglaban ng bawat isang pilipino ang kanyang karapatan upang matuto at makapag aral tayo magkaisa at ipagsigawan sa ating gobyerno na ihinto ang K-12 dahil ito ay taliwas lamang sa pagiging Pilipino natin at gawin ang kung ano ang nararapat.

    ReplyDelete
  16. Tunay ngang Kamangmangan ang sanhi ng kaguluha't kahirapan sa ating bayan. Kakulangan sa kaalaman kaya't maging tayo'y naalipin ng dayuhan at nawalan ng kalayaan. Ngunit paano natin masusulosyunan kung gayong sariling wika ay di mapapakinabangan? Ipagkakait nalang ba maging sa paaralan?. Marahil andyan ang karatig bansa para tayo'y tulungan ngunit masyado tayong nakatuon at nakadepende sa kanila kung kaya't tayo'y nawawalan ng tiwala sa sariling kakayahan. Hindi masamang gumaya ng istilo ng iba para sa pagpapaunlad ng bansa ngunit wag naman sana nating kalimutan ang atin, gayong pati na rin sariling ating wika dahil doon maasyos tayong nagkakaunawaan at nagkakaintindihan at maayos nating naibabahagi ang karunungan sa pamamagitan ng wikang atin.

    ReplyDelete
  17. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  18. Ang kamangmangan ay gawing karunungan, dahil ang kamangmangan ng isang indibidwal ay walang mararating. Papaano na lamang tayo uunlad kung walang karunungang taglay ang bawat isa sa atin. Maaaring ang programang k-12 ang sagot sa mga problemang ito, ngunit natitiyak ba na magiging matagumpay ito Lalo na at tinanggal ang asignaturang Filipino sa mga kolehiyo at pamantasan? papaano na lamang ang mga kabataan na pag-asa ng bayan kung pati sila ay magiging mangmang pagdating sa ating sariling wika na sa panahon ngayon ay nagaganap na.totoo ngang nahihirapan na ang mga kabataan sa mga asignaturang tinatalakay sa k-12 siguro ay dahil na rin ito sa pagiging mangmang.
    Maganda sana ang programa kung idadag ang asignaturang Filipino para maunawaan at hindi makalimutan ng mga mamamayan ang kahalagahan nito sa atin.
    Sa kabilang banda, hindi pa handa ang ating gobyerno ng ipinatupad ang progrmang ito, walang budget para sa pag dadagdag ng mga pasilidad, libro etc. isang napakalaking pagbabago para sa atin ngunit sa aking palagay, makakasanayan din natin ang pagbabagong ito, bigyan lamang natin ng panahon ang gobyerno upang mapatunayan at mapanindigan ang pagpapatupad nito para sa ikakabuti ng ating bansa at para na din sa pagkamit ng karunungan ng bawat isang Pilipino.

    ReplyDelete
  19. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  20. ang kamang mangan ang sadyang nag papahirap satin kung bakit hindi umuunlad ang bansang pilipinas hanggang kailan tayo magiging sunod sunuran sa kanila , hindi uunlad ang ating bansa kung sariling wika naten ay tatanggalin pa, ang pag mamahal sa ssriling wika ang syang mag papaunlad sa ating pamumuhay kaya wag nating hayaang tanggalin ito dahil ito ang wikang ating kinagisnan


    - Adamos lorence M.

    ReplyDelete
  21. Wika ng Karunungan. Wikang English ang umaalipin sa sambayanan, sapagkat ang bansa natin ngayon ay hindi na marunong gumamit ng sariling wika, sa English na sila nakadepende. Kapag nagsalita ka ng wikang Filipino, mababang uri ka, samantalang kapag English ang taas ng tingin nila sayo. Katulad na lang ng pagtanggap natin sa mga Amerikano na kung ano ang tinuro nila ay ating na itong ginagamit. Hindi naman sa bawal gamitin ang Wikang English, ang akin lang ay matuto tayo kung kailan ito gagamitin. Ipagtanggol natin ang Wikang Filipino. Ang taong gumagawa nito ay siyang gumagawa ng paraan para hindi tayo umunlad.
    K-12 hindi ito magdadala sa atin sa Kaunlaran, sapagkat ito ay nagpapahirap sa atin, para sa akin, hindi naman lahat ng tao ay pupunta sa ibang bansa. Wag nating sayangin ang ginawa para maging pambansang wika ang Fililino. Change is Coming! Isa sa mga slogan ni Duterte nung kumpanya, kaya simulan din natin baguhin ang katwiran ng mga mamayanan sa Wikang Filipino. Ipaglaban ang Wikang Filipino!.

    ReplyDelete
  22. Hindi naman ang ibang wika ang sagot sa kamangmangan dahil hindi ito ang sarili nating wika. Bat pa tayo gagamit ng ibang wika kung may sarili naman tayo? Hindi naman lahat ng magaling sa english ay umuunlad. Ang Pilipinas, hindi talaga tayo uunlad kung gagamitin natin ang wikang hindi atin.

    ReplyDelete
  23. Kamangmangan nga ang magpapabagsak sa ating lipunan. Kamangmagan at katamaran na ikalulugmok ng ating bansa. Ginugusto nila ang pagbabago ngunit sa sarili nila hindi nila ito maumpisan at mabigyan ng solusyon.Ayaw nila ng k-12 dahil matagal daw d nila inisip na baka eto ang isa sa dahilan kung bakit aangat ang ating bansa sa pamamagitan ng sipag at tiyaga sa pagaaral, edukasyon sa bansa patuloy na masusulosyunan. Gamitin ang ating wika ipagmalaki ng walang halong pagaalinlangan at gamitin ng naayon at naiintindihan. Makakamit natin ang pagbabago kung uumpisahan natin ito sa ating sarili.

    -Causapin, Jennifer E.

    ReplyDelete
  24. Ang pag-alis sa subject na filipino ay siya rin na pag-alis sa mga tao ng kalayaang mailabas ang kanilang saloobin dahil hindi naman lahat ng tao sa ating bansa ay marunong ng ibang salita tulad na lang ng english. Kamangmangan nga ang maituturing sa pagtangal ng subject na filipino dahil sa pag aproba sa k-12 at ipinasok ang ibang subject dito, maraming maapektuhan dahil sa k-12 una na lang rito ang mga guro na nagtuturo ng filipino dahil sila ay tatangalin na lalo na sa mga kolehiyo. Ok lang naman ang k-12 ngunit sana wag ng tangalin ang subject na filipino dahil ito ang sarili nating wika at hindi naman uunalad ang pilipinas dahil lang sa pagtangal ng subject na filipino, dahil nalugmok na sa kahirapan ang ating bansa noon pa man dahil sa hindi maayos na pagpapatakbo ng nasa gobyerno. Kaya't mas magandang wag ng tangalin ito at simulan ang pagbabago sa ating sarili kasabay nito ang pagbabago ng ating bansa.

    - Bautista, Joyce Ann A.

    ReplyDelete
  25. ANG WIKANG FILIPINO ANG WIKANG PAMBANSA, ITO RIN ANG WIKA NG KAUNLARAN. ANG WIKANG FILIPINO AY MAS MALAKING GINAGAMPANAN SA ATING BANSA AT BUHAY BILANG ISANG MAMAMAYANG FILIPINO. ITO ANG NAG BUBUKLOD SA ATING PAGKA-FILIPINO, DAHIL SA WIKANG FILIPINO TAYO NAG-KAKAINTINDIHAN AT NAGBUBUKLOD-BUKLOD. KAYA KAPAG HINDI NATIN ITO MINAHAL, MAHALIN AT MAMAHALIN ISA LANG SIGURADO MAGKAKAROON NG KAGULUHAN, MAGING WATAK-WATAK TAYO BILANG ISANG REPUBLIKA. ANG PAG ALIS NG ASIGNATURANG "FILIPINO" SA KOLEHIYO AY PARA NA RING PAG TAKWIL SA KANYANG PAGIGING ISANG "FILIPINO".KAYA SA PANG KASALUKUYANG PANAHON, KAYA NAG-KAKAROON NG KAGULUHAN AT GIYERA LABAN SA KAPWA FILIPINO: CPP-NPA, MILF, MNLF AT BIFF SA KADAHILANANG HINDI SILA KARAMIHAN NAGKAROON NG EDUKASYON SA "WIKANG FILIPINO"

    ReplyDelete
  26. isang kamanghamanga akdang ito dahil dito pinapakita ang kahalagahan ng wikang filipino kapag sinabi bang hindi ka marunong mag ingles ay mangmang kana kapag sinabi bang filipino lang kaya mong salitain ay mangmang kana?hindi niyo ba alam itoy isang paraan upang ipakita at gaano nating kamahal ang sarili atin ang sarili nating wika .kapag minura kita ng ingles at nilait di ka nasasaktan kapag tagalog galita at magdadamdam ka diba? ganyan din dapat kahalagan sayo ng sariling wika ikaw? hahayaan mo bang masakop ka rin ng wika ng ibang dayuhan at handang kalimutan ang sariling wika?


    -Gonzaga,Kenneth Carl

    ReplyDelete
  27. Hindi ko mahal ang Pilipinas.”
    Kasinungalingan ‘yan.

    “It’s More Fun in the Philippines”
    dahil totoong mahal ko ang Kultura at Panitikang Filipino.
    Kailanman hindi ko masasabing
    nais ko na ring sumuko.
    Balang araw,
    uunlad pa ang Panitikang Filipino.
    Hindi rin dapat isiping nasayang ang ating mga boto.
    Sila ang nakaupo kaya matutulungan tayo ng gobyerno dahil hindi ako naniniwalang “mabilis makalimot ang mga Pilipino” dahil totoong may magagawa pa tayo. Iniisip na kasi ng iba wala nang kuwenta ang Filipino, wala na ring pag-asa ang mga guro ng Filipino, wala na rin kasing pag-asa ang mga librong lokal sa mga bookstores.Subalit, oo,
    may halaga pa ang ating mga guro’t manunulat. At hindi dapat nating isiping wala na tayong pag-asa.
    Nagpapatunay lamang na mahalaga ang ating wika. Sino ang makapagsasabing
    hindi na magagamit pa ang inaaral sa Filipino sa labas ng paaralan?
    Upang maipasa natin sa kabataan na may pagkakaiba ang ‘ng’ at ‘nang’, ‘may at ‘mayroon’, atbp.
    Huwag sanang isiping Ingles lamang ang tanging solusyon sa pag-unlad ng bansa.
    Nakakaligtaan na ng marami na dapat pinapahalagahan din ang wika’t kulturang Filipino.
    Hindi pa rin akong makapaniwalang
    Tatanggalin nila ang Filipino sa Kolehiyo.
    Dahil para sa akin, dapat patuloy pa rin ang pag-aaral ng Filipino hanggang sa kolehiyo. Kung tinanggal niyo ‘to, parang hininto niyo na rin ang madadagdagang kaalaman ng estudyante sa asignatura, maging sa ating kultura.Huwag sanang kamangmangan ang pairalin nating mga pilipino.

    - Borado Rayjian O. :)

    ReplyDelete
  28. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  29. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  30. Ang pagsasatupad ba ng K-12 at pagtanggal ng wikang Filipino sa panuruan sa kolehiyo ang tanging solusyon sa tinatawag na "kamangmangan"?

    Kung iisiping mabuti ito ay isang mababaw na dahilan sa isang bansang hinubog ng mga akademiko at mga tanyag na Pilipino na humulma sa kung ano ang mayroon tayo ngayon. Ngunit tila yata ang tuon ng nakararami patungkol sa kamangmangan ay binigyang diin sa pagsasaayos sa sistema ng edukasyon, sa halip na 4 na taon sa sekundarya ay makakapagtapos na dinagdagan pa ito ng 2 taon para daw, ayon sa mga opisyal sa gobyerno, maging kumpetitib ang mga estudyante at mahanda ang mga ito pagpasok sa kolehiyo. Hindi ba't pahirap laman ito sa bulsa ng ating mga magulang? Paano ang mga salat sa yaman? Sa mga anak-pawis? Sa mga maralita na hanap lamang ay mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Dagdag bayarin lamang ito sa kumakalam na tiyan sa bayan ni Juan. Palibhasa ang Pilipinas nalang ang walang ganitong sistema sa ASEAN. Mahihinuha mong tayo ang napapasailalim parin sa tinatawag na neo-kolonyalismo na kung saan ang paraan ng pag-iisip ng mga tao ay nabulag ng mga banyaga. Malaki ang naging impluwensiya rito ng mga Amerikano kung bakit naging palaasa ang Pilipinas sa Amerika. Marahil ang mentalidad ng mga Filipino ay tuluyang nalason kaya't ang bansa ay hindi kayang tumindig sa sariling paa.

    Binigyang-diin din ang pagtanggal ng wikang Filipino sa pagtuturo sa kolehiyo. Para mo nang tinanggal ang kaluluwa ng Pilipinas. Isa itong kapalaluan sa ating mga Filipino, ang wika na ating kinamulatan, kinalakihan, nakagisnan ay tatanggalin ng mga hipokritong mga opisyal sa ating gobyerno na kung iisipin ay Filipino rin. Hindi iyon makatarungan sa atin, isa itong sampal sa ating lahi, sa ating mga ninuno, sa mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay para lamang sa Inang Bayan. Ganito na ba kadesperado ang gobyerno para masolusyunan ang sakit na "kamangmangan" sa ating bansa. Tunay ngang salot ang na maituturing ang impluwensiya ng Estados Unidos sa ating bansa. Sila ang naging superyor nitong bansang pilay. Nang dahil sa kanila'y nag-iba ang ideyalismo ng ating bansa. Nabaluktot pa lalo ang sistemang bulok na nga. May pag-asa pa kaya ang mahal kong bansang sawi na? Oras na, para tumindig sa ating mga sariling paa. Tanggalin ang imperyalistang mga Amerikano. Oras na para magkaisa sa iisang interes at magbuklod-buklod na may iisang puso, diwa, lahi at wika. Patuloy na pagyabungin ang ating identidad! Pagyamanin pa lalo ang Wikang Filipino. Para sa tunay na pagbabago!

    - Tomampo,Lawrence R.
    BBF 3-3

    ReplyDelete
  31. Tama. Wikang Filipino, dapat Ipaglaban! Nakakalungkot man isipin na karamihan sa ating mga Pilipino kamangmangan sa sariling wika ang nanaig. Kamangmangan sa tunay na kahalagahan ng wika sa ating buhay. Ang tunay na karunungan ng isang tao ay may pagmamahal sa sariling wika at hindi ito makukuha sa wikamg hindi alam. Huwag tayong umasa sa makadayuhang wika na proseso. Ang pagtangkilik sa sariling wika ay siyang pagbunga ng maunlad na bansa. Ang pag-gamit ng sariling wika ay tungo sa mapayapang bayan. Filipino'y huwag tanggalin, parang tinaggal mo na rin ang iyong pagmamahal sa Inang Bayan. Ang wika ay lalo pang pagyamanin, at paunlarin upang lalong magkaintindihan at umunlad ang Inang Bayan. Ang wikang Filipino ay pundasyon ng bawat mamayan sa karunungan.

    ReplyDelete
  32. ako ay sumasang ayon sa may akda ng tulang ito . tunay na ang wikang Filipino ang daan sa ating karunungan. paano tayo uunlad kung sariling wika natin ay ating kinalilimutan ? hindi tamang ito ay tinanggal sa mga kolehiyo at mga pamantasan sapagkat ito ay sarili nating wika na dapat nating angkinin at mahalin. ang wikang Filipino ang bumubuklod sa atin ngunit dahil sa pagtalikod natin dito, ito ang nagiging sanhi ng away o hindi pagkakaunawaan ng karamihan sa atin . Paano tayo magkakaisa kung sa pagtangkilik lang sa ating wika ay hindi pa natin magawa? Wikag Filipino ay dapat ibalik ! hindi dapat tanggalin!

    ReplyDelete
  33. Kamangmangan ang isa sa nagpapahirap sa ating bansa. Kapag tayo’y salat sa karunungan mabagal ang ating pag-asenso bilang isang indibidwal na dapat ay makatutulong sa pag-unlad ng ating bansa. Kamangmangan na laganap sa ating kapaligiran na isa sa pwedeng magdikta sa kung ano ang magiging daloy ng ating pamumuhay. Wikang Filipino ating gamitin sapagkat ito’y sariling atin. Wala akong nakikitang masama kung tayo’y makikisabay sa kung paano ipalaganap ng ibang dayuhan ang edukasyon sa kanilang bayan. Pero dapat sariling wika ang ating gamitin para mas lalong mapabilis at maintindihan ang karungang ating ibabahagi. K-12 isa daw sa sagot sa kamangmangan. Oo, tama nga naman siguro pwedeng maging sagot pero pwede rin na hindi. Ang pagbabago ng kurikulum ay hindi nangangahulugang pag-unlad kaagad. Nasa mga tao pa din ito kung ito’y ating pagbubutihan at ipapalaganap gamit ang sariling wika. Nakakalungkot isipin na may mga taong gustong alisin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Oo nga’t di ko sila kilala o kung ano ang kanilang dahilan. Pero maraming guro ang maaapektuhan sa ganitong disisyon. Maraming guro ang mawawalan ng trabaho. Di lang mismo ang mga guro pati na rin ang kanilang mga pamilya na sa kanila’y umaasa para sa pang araw-araw na gastusin. Higit sa lahat ang sariling wikang nililimitahan na mapalaganap na dapat ay ating itinuturo at ginagamit. Mas tinatangkilip dapat natin ang ating sariling wika dahil mas makakatulong ito sa pag-unlad ng ating bansa. Sana sa mga darating na araw, buwan at taon pag-isipan ito ng mabuti ng mga nasa gobyerno ng sa ganun di tayo magsisi sa bandang huli. Mabuhay Ang Wikang Filipino!!!

    Reyes, Jestoni P.
    BPE 2-FS1N

    ReplyDelete
  34. Tama ngang WIKANG FILIPINO ang WIKA NG KARUNUNGAN ng mga PILIPINO SA SARILING NATING BAYAN.Dahil hindi kailangang dumepende sa ibang bansa para lamang makasabay sa taas at kalidad ng edukasyon.Para sa akin mas kailangan nating pagyamanin at gamitin ang sariling wika sa pag-taas at pagunlad ng ating bansa kesa gamitin ang mga lenggwahe na hindi naman natin wika. Nagiging mangmang lamang ang isa tao dahil sa paglimot nya sa sariling wika nya at sa pag-gamit at pagtangkilik ng wikang banyaga. Hindi kailanman nasusukat ang karunungan ng isang Pilipino kapag siya'y bihasa sa pagsasalita ng wika banyaga o Ingles, dahil ang lahat ng wika sa mundo ay pantay-pantay at hindi kailanman pwedeng maging sukatan ng karunungan
    ng isang tao.
    Tama bang alisin ang asignaturang Filipino sa Kolehiyo? Tama bang talikuran ang sariling wika para sa mga salitang dayuhan? Hindi diba? Dahil unang-una sa lahat ang Filipino ay sariling atin ,ang asignaturang Filipino ang siyang asignaturang nagmulat sating mga Pilipino
    upang magkaroon ng komunikasyon, tumulong sating mga Pilipino upang magkaisa, makipagsabayan sa ibang lahi at mapantayan ang galing ng ibang dayuhan, kaya ito'y ating dapat tangkilikin, galangin, mahalin at lalong ipagmalaki san mang sulok ng mundo dahil naniniwala ako na kayang-kaya natin na mapaunlad ang ating bansa gamit ang wikang siyang ating nakagisnan at hindi kailangan pag-aralan ang ibang salita.
    Ayon sa tula K-12 ang sagot sa kamang-mangan ng mga tao, ngunit hindi ito totoo dahil bago pa lamang ipabatas ang K-12, maraming PILIPINO ang nakapagtapos ng edukasyon na walang dagdag antas sa kanilang pag-aaral, naging dalubhasa sila dahil sa kanilang sipag at tiyaga sa pag-aaral lamang. Isa ako sa tutol sa pagpapatupad ng K-12 sating bansa, dahil makikita naman natin na ang pamahalaan ay hindi pa handa sa ganitong sistema. Mapapa-isip ka din na yung mga kabataan na naabutan ung K-12 ay lalong mahihirapan lalo na mga magulang nila dahil mas lalong magpupursigi silang magtrabaho matustusan lamang ang dalawang taong dagdag sa pagaaral ng kanilang mga anak. Ang K-12 ay kailangan pag-aralan pa lalo hindi yung makiki-uso lamang dahil sa may ganitong sistema ang ibang bansa. Isipin muna ang kahirapang nararamdaman ng mga mamamayan bago makipagsabayan sa ibang bansa upang walang maging problema para sa lahat. Unahin ang mga bagay na kailangan ng bansang iyong kinagisnan kesa unahin ang iyong mga kagustuhan. Alamin muna yung mga magiging problema ng sistemang ipapatupad mo at hingan ng suwistyon ang taong bayan upang hindi ito maging dahilan sa pagpapahirap ng ating bansa.
    "Change Is Coming" ika nga ng tula. Wikang atin ay simula'y pagyamanin at lalong ipagmalaki sa buong mundo. Gumising sa katotohanan na WIKANG Filipino ang ating WIKA sa ating bansang sinisinta. Wikang Filipino ay ibalik at huwag tanggalin.

    -SHIELA B. DIZON
    BPE 1-2N

    ReplyDelete
  35. " Wika ng karunungan"
    WIKA NG KARUNUNGAN!!....Tema ngayon ng ating Buwan ng Wika .Tanong ng karamihan ang karunungan ba ay nasa wika. Bilang Filipino para sa akin sa mga panahon ngayon ang wika ng karungan ay kaalaman ngunit hindi sa ating wikang pambansa ang Filipino, marahil sa wikang banyaga o ingles. Mataas ang tingin ng iba sa magagaling magsalita ng ingles ngunit isang tanong ang sumagi sa isip ko bakit kailangang mag pakadalubhasa sa wikang hindi pambansa . Isa sa mga pinaguusapan ngayon at napaibatas na ang K-12 gaya ng nasa tula ito daw ang sagot sa kamangmangan ng mga Filipino. Sa kadahilanang meron daw mga mag aaral nakakapagtapos ng sekondarya na hindi masyadong marunong mag ingles o kaya walang masyadong alam. Marami sa ibang magulang hindi sang ayon sa nasabing programa sa kadahilanang ang apat na taon ay mahirap na magpaaral marahil nadagdagan pa ng dalawang taon ay lalo ng mahirap kaya pinatigil nalang ang kanilang mga anak . Kung patuloy ang programang ito ang iba ay maaapektuhan sa kanilang sariling kaalaman subalit ito nga ba ang sagot sa nasabing walang karunungan o kamangmangan.Malalaman natin ito sa darating na panahon kung tayo'y may pag unlad sa wika ng karunungan. Sana bilang mamamayang Pilipino, pahalagahan natin kung ano ang minana natin sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal ang wikang Filipino. Para sa akin bilang mamamayang Filipino hindi masama maging dalubhasa sa wikang banyaga ngunit hindi ito ang dahilan upang maging dayuhan ka sa sarili mong bayan.


    CZARINA J. ORTENERO
    BPE1-2N

    ReplyDelete
  36. "Wika ng Karunungan"

    Isang pagpapa-alala sa ating kapwa Filipino kung saan halos lahat sa kanila ay nakalimot, tumalikod, at kinakahiya sariling wika nating mga Filipino. Marami na sa panahon natin ngayon o sa bagong henerasyon ng kabataan ang mas tumatangkilik sa ibang wika, gaya na lamang ng Ingles, Kinakahiya sariling lenggwahe pero alam ba nila na dahil dito, tayong mga Filipino ay may pagkakaisa at pagkakaunawaan. Sariling wika natin ang nagbubuklod sa ating mga Filipino. Sariling wika ang nagpapakilala kong ano tayo. Sariling wika natin mismo ang kayamanan ng bawat isang tao. Ngunit kung talikuran ang ating wika ay parang bang isang malalang karamdaman, kasalanan ba ang ating wika? mababaw ba ang ating wika? Hindi. Bagkus ay isa ito sa pinaka-importanteng kayamanan sating mga Filipino.
    Ngayo'y edukasyon nadagdagan, marami na ngayon sa kabataan ang mas pipiliing magtrabaho kesa mag-aral ng kolehiyo, dagdag na taon sa mga estudyante, dagdag na pasanin ng mga magulang. Kolehiyo’y hindi na binigyan ng halaga, Wika ay nakalimutan, pagka't bagong programa nakatuon lamang sa maagang pagta-trabaho at kalayaan ng isang estudyante pagkatapos ng pag-aaral at makapag hanap buhay para may pang tulong sa magulang. Wika sana'y pagtibayin, pagka't ito'y atin. Kung saan wika natin ang nagpalaya sa ating sariling bansa, at Wika ang dahilan kaya tayong mga Filipino ay malaya.
    Sa ating mahal na presidente, oo nga’t hindi kagandagan ang sinasabi pero Wikang Filipino ginagamit sa lahat ng mga programa, May pagkatabil man ang kanyang bunganga pero ito'y wika ng mga Filipino kung saan tayong mga Filipino ay nakaka-intindi at nakaka-unawa. May mga ibang Filipino, na hindi nakaranas o dumaan sa edukasyon, pero nakaka-intindi pagka't gamit ang sariling Wikang Filipino. Sana ay maging isa ito sa daan na tayong mga filipino ay dapat na pangalagaan ating sariling wika. Maibalik sana paninindigan sa bayan, at pagmamahal sa bansa. Baka respetuhin pa nang mga dayuhan, at sila pa ang magsusumikap mag-aral sa ating sariling wika.

    ALERIA, MADEL S.
    BPE 1-2N

    ReplyDelete
  37. "Wika ng Karunungan"

    Isang katagang dapat nating pag bigyan ng tuon, salitang dapat natin hindi baliwalain. Ngayong binigyan tayo ng pagkakataon para magbigay ng reaksyon pa-tungkol sa ating suliranin. Suliraning hindi mabigyang pansin ng iba sa atin. Nandito tayo upang ibahagi, gamitin at mahalin ang sariling wika natin. Wikang Filipino dahil tayo ay mga Pilipino. Marami sa atin ay marahil hindi napapansin, mga wikang ginagamit dapat nga ba araw arawin? Isa itong babala, babalang dapat nating pagbigyang pansin. Mahalin dapat natin ang sariling atin, gamitin ang binigay para sa atin. Dahil simula't sapul ay hindi naman natin maiintindihan ang ibang wika kung hindi dahil din sa ating sariling wika. Nakikipagtalastasan at nakikipag-usap tayo sa araw araw gamit ang wikang Filipino. Nalalaman natin ang iba't ibang bagay o wika dahil sa wikang Filipino, kaya naman ano ang dahilan upang isantabi natin ang sariling atin? Walang dahilan sapagkat ang dahilan ng lahat ng ating nalalaman ay walang iba kung hindi ang wika natin, wikang Filipino. Instrumento sa lahat ng pagkakaunawaan ng mga dayo at bago, instrumentong dapat ating ipagmalaki at ibahagi. Huwag na huwag tayong magpapabihag sa iba, maging bayani tayo sa ating sariling wika.

    ASTUDILLO, ZELINE JOI G.
    BPE 2-FS1N

    ReplyDelete
  38. "Wika ng Karunungan"


    Tayo ay nagpapaalipin sa salitang kamangmangan. Edukasyon natin ay dapat pang pahalagan. Bakit nga ba tayo nagsusunud sunuran sa mga dayuhan? Dahil nakikinabang ang nasasakupan? Ang gobyernong talamak sa pandurupang? Asan ang tinig ng bayan, bakit hindi ito agad masolusyunan? Sa panahon natin ngayon lahat tayo ay nabubuhay sa kasinungalingan.

    Kaya tayo ay dapat sabay sabay na bumangon at ipaglaban ang nararapat. Wikang Filipino ay pangalagaan,pagyamanin at gamitin. Sa bawat pakikipagtalastasan at pakikipag-usap ginagamit naten ang mahal na wika. Ito ang ating yaman na kahit kailan ay hindi mananakaw ng sinuman. Kaya CMO-20 ay dapat ibasura. Kulang pa ang ating nalalaman. Dapat natin pag aralan ang ating yaman.


    FERMILAN,RHEA E.
    BPE 2-FS1N

    ReplyDelete
  39. Sumasang-ayon ako kay Binibining Jennifor Aguilar sa kanyang akda. Naniniwala ako na tayo lang mismong mga Pilipino ang makakatulong sa ating mga sarili upang umunlad, kung matututo lamang tayong tangkilikin ang sariling atin at magkaroon ng desisyon na hindi dumedepende sa iba pang bansa. Nararapat na ating isaalang alang ang sitwasyon sa ating bansa at hindi basta basta na lamang sundan ang pamamaraan ng iba. Di ko sinasabing isawalang bahala ang opinyon ng iba, ngunit dapat ay balansehin kung ano ang tunay na kailangan at solusyon sa ating kinakaharap na problema. Maaring ang K-12 ay hahayaan ang mga estudyanteng mas.maging maalam subalit kapalit naman nito ay mas malaking budget na ilalaan ng mga magulang upang pag aralin ang kanilang anak na hindi magandang ideya para sa mga nasa mababang uri ng lipunan. Sa aking palagay ang nararapat lamang na solusyon dito ay magtulungan ang lahat upang mas pagbutihin ang pag aaral ng sekondarya nang sa gayon ay di kinakailangan pang magkaroon ng k-12
    Ang pagtanggal sa asignaturang Filipino naman ay aking higit tinututulan sapagkat ang pag aaral nito ay isa na ring paraan upang ipakita ang pagmamahal sa ating bayan. Sa pag aral nito ay mas nililinang natin ang ating wika na sumisimbolo sa atin. Bakit nga ba pinipilit nila na aralin ang wikang banyaga samantalang tayo naman ay mga Pilipino na kinakailangan pang mas tutukan ang ating wika, maaaring ginagamit ito sa pagtatrabaho ngunit hindi nangangahulugan na dapat itong iisantabi. Pano na lamang ang mga susunod na henerasyon, na hindi na maabutan ang mga ito.
    Sa kabuuan ang akdang ito ay isang paalala sa ating mga Pilipino sa kung ano ang nangyayare sa ating lipunan at wika. Pinapaalala nito kung ano pa ang dapat at maaari natin gawin upang mas linangin at paunlarin ang kung ano man ang meron tayo.

    LOPEZ, ANDREI HERZEL A.
    BBF 3-3

    ReplyDelete
  40. Solusyon sa Kamangmangan ng mga mamamayan ng bansang Pilipinas

    Katulad ng nabanggit ni Dr. Jennifor L. Aguilar, napagpasyahan ng nakaraang mga pinuno ng gobyerno ng bansa na K-12 daw ang kailangan ng edukasyon ng mga Pilipino upang makasabay tayo sa kagalingan at karunungan ng mga taga-ibang bansa. Nais rin nilang ipatanggal ang pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo upang higit na maging bihasa ang mga ito sa pagsasalita ng wikang Ingles.
    Bakit? Bakit natin kailangang ikumpara at itulad ang sarili natin sa ibang bansa? Iba ang mga pangyayari, kalagayan ng mga tao at pamumuhay natin sa kanila. K-12? Karamihan ng mga kabataang Pilipino ay hindi makapasok ka paaralan at makapag-aral dahil sa hindi sapat na pambayad at nais pa nilang dagdagan ang taon ng pag-aaral? Ang mangyayari ngayon niyan ay higit na dadami ang mga kabataang hindi makakatapos sa hayskul. Ang kailangan ng mga kabataan ay ang mga bagong pampublikong paaralan at mga pasilidad, hindi dagdag gastos. Kapag ito ay nagawa na ng gobyerno at hindi pa rin sumapat ang karunungan ng mga kabataan, higit na maigi kung dito nila ipapasok ang K-12. Hindi lang iyon, hindi ba dapat ay higit na pag-igihin pa nga ang pagtuturo ng pambansang wika? Lalo itong mahalaga sa isang bansa may iba't ibang diyalekto, upang madaling magkaintindihan ang bawat isa. Kung Ingles lang din naman ang ituturo at hindi Filipino ay bakit hindi na lang palitan ang pambansang wika at gawin itong Ingles? Isa pa, bakit kailangan nating dumepende sa relasyon natin sa ibang bansa? Hindi ba higit na maganda kung ang bibigyan natin ng pansin ay ang mga pangyayari sa loob ng bansa? Kapag ang isang bansa ay nakadepende sa relasyon nito sa iba, paano na lamang kapag nagkagulo? Higit na magiging matibay at tuloy-tuloy ang pag-unlad ng ekonomiya kung manggagaling ito sa loob.
    Ngayong may mga bago ng pinuno ng bansa, "CHANGE IS COMING" ika nga nila. Dapat ay huwag lamang manuod, ngunit tayo ay umaksiyon din upang magbago nga ang kalagayan ng bansa at mga mamamayan nito. At para sa aming mga mag-aaral, nararapat na higit na magsumikap upang magawa ng tama ang isa sa aming mga tungkulin, ang mag-aral ng mabuti upang makatulong sa pagpapaunlad ng bansa.

    NUEZCA, JUNE PAOLA M.
    BBF 3-3

    ReplyDelete
  41. "WIKA NG KARUNUNGAN"
    Pinaparating ng may akda na ang kamangmangan ang siyang umaalipin sa ating bayan. Ito ang sanhi kung bakit tayo nagpapaalipin sa mga dayuhan at kung bakit tayo ay sunud-sunuran. Lagi tayong nakadepende sa kanilang mga kagustuhan, ngayon pati ang kanilang edukasyon ay atin pang pag-gagayahan. Nakakalungkot isipin na lagi nalang natin silang kinokopya. Ultimo pananalita, ayos, pananamit at maging mga produktong galing sa kanila ay ating mas tinatangkilik. Nakakabahalang malaman ang ganitong uri ng kamangmangan. Isa itong uri ng kamangmangan na abot na sa sukdulan. Pilit natin silang ginagaya kahit hindi naman kaya, kung tutuusin nga’y kayang kaya nating lamangan sila. Kung atin lamang iintindihing mabuti, mas mayaman ang kulturang ating kinagisnan kumpara sa kanilang lipi.

    Kinahihiya natin ang mga bagay na ating taglay na marapat lang na ipagmalaki. Nagpapatangos ng ilong ang iba sapagkat kinahihiya nila ang kanilang lahi, pinipilit mag-ingles ng iba upang makasabay at masabihang sosyal, mali mali naman ang grammar maging ang kanilang pagbigkas. Nang dahil sa kamangmangang iyan lalo lang silang nagmumukhang katawa-tawa. Mukha silang mga tanga na pinipilit makipagsabayan sa iba. Ang iba nama’y napakamaalam pagdating sa salitang dayuhan, pag tinanong mo naman ng tungkol sa wikang Filipino ay walang alam. Ano pa bang mas mukhang tanga kaysa sa taong sa Pilipinas nagmula ngunit wala namang alam sa kanyang pinagmulan? Mga Pilipino nga naman. Kailan kaya tayo magigising sa katotohanan.

    Matapos basahin ang akda ni Dr. Jennifor Aguilar, napagtanto at lubos akong sumasang-ayon sa kanyang mga binitawang salita sapagkat totoo nga naman na simula pa noong tayo ay masakop ng mga Espanyol, tayo na ay naging sunud-sunuran sa mga dayuhan at nawalan ng bilib sa ating sariling kakayahan sapagkat tayo ay napaniwala na tayo ay mababang nilalang lamang na nangangailangan ng kanilang gabay at kaalaman. Lagi tayong nakaantabay sa kanilang pagpapasya sapagkat iyon ang alam nating makakabuti sa ating bansa. Lingid sa ating kaalaman tayo’y nililinlang lamang pala nila. Ginagamit para sa sariling ikauunlad nila, ginagawang pagkakakitaan ang mga likas na yamang sa atin mismo nagmula. Nilulubog tayo sa kahirapan habang sila ay nagpapakasasa.
    Ayon nga sa naging dati naming propesor, kung may sapat lamang tayong diskarte at kaalaman ukol sa tama at produktibong pagamit ng ating mga likas na yaman, malamang isa na tayo sa pinakamayayamang bayan. Ito ay sa kadahilanang halos lahat ng yaman ay matatagpuan sa ating inang bayan. Nakakalungkot lamang isipin na hindi man lang tayo marunong makinabang sa sarili nating ari-arian. Marapat lamang na tayo ay matutong magpahalaga sa sarili nating bayan at iyon ay magsisimula sa pag-gamit ng ating wikang kinagisnan. Yaong ating ipagmamalaki at tiyak na maiintindihan ng nakararami. Paunlarin ang sarili nating kalinangan ng hindi dumedepende sa mga dayuhan.


    PESPIÑAN, KAYE ANN LOUISE P.
    BBF 3-3

    ReplyDelete
  42. "Wika ng Karunungan"

    Ang wika ang siyang daan upang magkaintindihan ang bawat mamamayan sa isang bayan. Wika ang dahilan kung bakit nagkakaisa ang isang bansa. Ang Pilipinas ay mayroong sariling wika at ito ay Filipino. Kahit na tayo’y may sariling wika, tayo nga ba ay nagkakaisa? Tayo nga ba ay tunay na malaya?
    Base sa akdang tula ni Dr. Jennifor L. Aguilar na may titulong “Wika ng Karunungan”, ang mga Filipino ay tila baliw na baliw sa banyaga. Ipinararating ng akdang ito na dapat nating mahalin ang ating wika kaysa sa wikang banyaga. Ang mga dayuhan ang siyang dahilan ng ating kamangmangan sa ating sariling bansa. Ang mga Pilipino ay bulag sa katotohanan na tayo’y tinutulungan ng mga banyaga ‘pagkat ating kinokopya ang sistema ng pag-aaral sa kanilang bansa. Iniisip ng karamihan sa atin na ito’y makatutulong sa atin na umunlad at sagot sa lumalalang kahirapan ng ating bansa. Kung susuriin nang mabuti, ang tinuturo lamang nila sa mga Pilipino ay kamangmangan at tayo’y inaalipin sa ating sariling bayan. Sinasabi rin ng akdang ito na higit na tinatangkilik ng mga Pilipino ang dayuhang kultura kaysa sa sariling kultura. Makikita ito maging sa pagbili natin ng mga produkto ‘pagkat ating iniisip na higit na matibay at mapapakinabangan ang mga produkto ng dayuhan. Ating tangkilikin ang wikang Filipino ‘pagkat tayo’y mga Filipino. Sa kasalukuyan, may iilang tao na nais tanggalin ang pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo at sa iba pang pamantasan. Ito ay maliwanag na isang kataksilan sa ating bansa. Ang ating pagiging makabayan at makabansa ay isa sa susi upang umunlad tayo.
    Marapat na dapat nating gamitin ang ating wika kaysa wikang banyaga. Sanayin natin ang ating sarili upang tayo’y umulad. Kung gusto natin umunlad ay dapat na umpisahan natin ito sa ating sarili. Gamitin natin ang ating wika upang makamit ang tunay na kalayaan at magkaroon ng tunay na pagkakainis. Ito ang sagot sa ating kamangmangan na dala natin hanggang sa kasalukuyan. Huwag natin hayaan na patuloy tayong maging alipin sa ating bansa. Maging isang tunay na Filipino. Ipagmalaki natin na tayo ay Filipino!

    LLOVIDO, MELANIE P.
    BBF 3-3

    ReplyDelete
  43. "Wika ng Karunungan"

    Ipinapahatid ng tulang ito na hindi pinapahalagahan ng maraming Pilipino ang ating sariling wika pagka’t higit na pinahahalagahanng marami sa atin ang wikang banyaga. Ito ang dahilan kung bakit hindi parin maunlad ang ating bansa. Nagpapakain tayo sa sistema ng banyaga na ang tanging ibinibigay sa atin ay kamangmangan, halimbawa nito ay ang sistema ng ating pag-aaral. Nais ng ating pamahalaan na gawing k-12 ang sistema ng ating pag-aaral pagkat ito ang sistema na mayroon sa ibang bansa. Ang dahilan nila ay para madagdagan pa ang kaalaman na itinuturo ng ating mga guro. Ngunit hindi ba natin nakikita na lalong naghihirap ang mga kabataan na sumabay sa sistemang ito? Sa halip na madagdagan ang kaalaman ay nababawasan pa pagka’t minamadali ang pagtuturo ng mga guro at maging sila ay hindi alam ang kanilang itinuturo. Isa pa ang isyu nang pagtanggal sa pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo. Hindi ba’t isang malaking kahibangan ang pagtanggal ng asignaturang nagtuturo ng wika natin? Ipinapakita nito na hindi natin mahal ang sarili nating wika. Sa pagpapalit ng pangulo, padating na rin ba ang pagbabago?

    Tayo na’t tangkilikin ang sarili nating wika. Ito ay isang daan upang makamit ang kaunlarang inaasam ng bawat Filipino

    BARAQUIEL, JULIUS C.
    BBF 3-3

    ReplyDelete
  44. "Wika ng Karunungan"


    Tama hindi makukuha ang karunungan mula sa mga banyaga na ating nakakasalamuha.Maaring ang kanilang wika ang kilala sa buong mundo ngunit hindi ito dahilan para lamang sabihin na tanggalin ang sarili nating wika.Paano na natin makakamtan ang karunungan kung sarili nating wika di natin alam lagi nating tandaan ang ating pinanggalingan.Sa pagtanggal nila ng Filipino sa mga eskwela at pamantasan ay napakamaling desisyon sapagkat ito nagpapatibay ng ating pagkaPilipino.Hindi sapat ang pagbase natin sa ating mga sarili kalaban ang mga banyaga dahil mayroon tayong ibang dapat paglaanan ng pansin at patabayin na pundasyon.Kuhanin ang karunungan base sa sariling wika.Ngunit di mo rin masisisi ang ating bayan dahil nakakahumaling ang mga bagay bagay na lumalayo sa ating kultura.Mga bagay na ipinakilala ng mga banyagang dumating sa ating bansa.Mayroong iilang mga kagawian na ginagawa pa rin natin ngayon tulad ng mga paniniwala nga naman na nakuha natin sa kanila.Sa panahon din kasi ngayon ang mga tinatangkilik ay mga wala sa ating bansa kumbaga fresh from the other countries.


    Tama bang alisin ang asignaturang Filipino sa Kolehiyo? Tama bang talikuran ang sariling wika para sa mga salitang dayuhan? Hindi diba? Dahil unang-una sa lahat ang Filipino ay sariling atin ,ang asignaturang Filipino ang siyang asignaturang nagmulat sating mga Pilipino
    upang magkaroon ng komunikasyon, tumulong sating mga Pilipino upang magkaisa, makipagsabayan sa ibang lahi at mapantayan ang galing ng ibang dayuhan, kaya ito'y ating dapat tangkilikin, galangin, mahalin at lalong ipagmalaki san mang sulok ng mundo dahil naniniwala ako na kayang-kaya natin na mapaunlad ang ating bansa gamit ang wikang siyang ating nakagisnan at hindi kailangan pag-aralan ang ibang salita.
    Ayon sa tula K-12 ang sagot sa kamang-mangan ng mga tao, ngunit hindi ito totoo dahil bago pa lamang ipabatas ang K-12, maraming PILIPINO ang nakapagtapos ng edukasyon na walang dagdag antas sa kanilang pag-aaral, naging dalubhasa sila dahil sa kanilang sipag at tiyaga sa pag-aaral lamang. Isa ako sa tutol sa pagpapatupad ng K-12 sating bansa, dahil makikita naman natin na ang pamahalaan ay hindi pa handa sa ganitong sistema. Mapapa-isip ka din na yung mga kabataan na naabutan ung K-12 ay lalong mahihirapan lalo na mga magulang nila dahil mas lalong magpupursigi silang magtrabaho matustusan lamang ang dalawang taong dagdag sa pagaaral ng kanilang mga anak. Ang K-12 ay kailangan pag-aralan pa lalo hindi yung makiki-uso lamang dahil sa may ganitong sistema ang ibang bansa. Isipin muna ang kahirapang nararamdaman ng mga mamamayan bago makipagsabayan sa ibang bansa upang walang maging problema para sa lahat. Unahin ang mga bagay na kailangan ng bansang iyong kinagisnan kesa unahin ang iyong mga kagustuhan. Alamin muna yung mga magiging problema ng sistemang ipapatupad mo at hingan ng suwistyon ang taong bayan upang hindi ito maging dahilan sa pagpapahirap ng ating bansa.



    GIRON, ASHLEY EMERSON R.
    BBF 3-3

    ReplyDelete
  45. "WIKA NG KARUNUNGAN"

    Matapos kong basahin ang akdang ito, magkahalong emosyon ang aking naramdaman. Una, ako ay naging masaya dahil ang akdang ito ang nagsilbing babala sa atin kung anong dapat nating gawin mga Pilipino. Bilang isang miyembro ng lipunan, marapat lamang na kumilos tayo para sa ikabubuti at ikauunlad ng lipunang ating ginagalawan. Magdalawang isip palagi sa mga gagawing desisyon lalo na sa mga desisyong may malaking epekto hindi lamang sa sarili mo kundi maging sa mga taong nakapaligid sayo. Magkaroon ng sapat na karunungan upang magbunga ito ng maayos, maganda at mabuting pagdedesisyon.
    Ikalawa, ako ay nakaramdam ng kalungkutan dahil ito ay sumasalamin sa kawalan ng karunungan at maling pagdedesisyon ng tao. Naging mangmang ang tao sa konsepto na nagdedesisyon lamang sila para sa ikauunlad ng sariling interes at hindi iniisip ang ikabubuti ng nakararami. Ang maling pagdedesiyon ang siyang dahilan ng kaguluhan at hindi pagkakaunawaan ng lahat. Kung isasantabi muna ang sariling kagustuhan at unahin muna ang bayan tiyak na pagkakaisa ang mamamayani sa bayan.
    Sa pagbasa ko din ng akdang ito, nagkaroon ako ng mga katanungan sa ilang usapin na ngayon ay bumabagabag na sa aking isipan na noon ay wala akong pakialam. Una, sa usaping K-12. Dahil sa akda, napaisip ako kung mabuti nga ba ito o hindi? May maganda ba itong epekto o wala? Ipinatupad ba ito para makiayon lang sa ibang bansa o dahil sa nais nilang mapaunlad ang edukasyon sa bansa. Ikalawa, ang pagmamahal at pagtangkilik sa wikang sariling atin. Mahal nga ba natin ang wika o minamahal lang pagsapit ng buwan ng wika? Pinagmamalaki ba ito sa lahat o ikinukubli kapag kaharap ang mga dayuhan? Kung mahal natin ang wika bakit tayo nagpapakain sa wikang dayuhan? Ikatlo, sa usaping ibasura ang asignaturang Filipino. Bakit ito isang malaking isyu gayong nararapat lamang na pag-aralan ng mga Pilipino ang wikang sa kanila? Bakit ito ipapatupad gayong mawawalan ng trabaho ang ilan sa mga guro at madaragdagan na naman ang isa sa mga problemang kinakaharap ng mga Pilipino ang kawalan ng trabaho.
    Kaya’t ang akdang ito ang sumasalamin sa kawalan ng sapat na karunungan ng mga Pilipino. Ipagmalaki ang wika, Gawing tama ang pagpapaunlad ng K-12 at ibasura ang usaping pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Hindi man ito ang solusyon sa malalaking problemang kinahaharap ng bansa ngunit ito ay makakatulong sa paghubog ng buhay ng mga Pilipino. Ang solusyon ay nasa iyong kamay, huwag maging mangmang sa sarili mong bayan.


    MARY JOY M. ALTOVEROS BBF 3-3

    ReplyDelete
  46. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  47. WIKA NG KARUNUNGAN

    Ang tulang “Wika ng Karunungan” ni Dr. Jennifor L. Aguilar ay tumatalakay sa kung paanong unti-unting nilalamon ng kamangmangan ang ating bansa. Kamangha-mangha ang tulang ito na ginawa ni Dr. Aguilar dahil bukod sa napapanahon ay ito rin mismo ang problemang kinahaharap ngayon ng karamihan. Tunay nga naman na kamangmangan ang syang dahilan kung bakit ang bansa natin ay mahirap pa din. At ang pinag-ugatan ng kamangmangan ay kakulangan sa edukasyon. Sa ganitong sitwasyon na marami na nga ang hindi nakapag-aaral ay nais pa nilang dagdagan ang taon ng pag-aaral ay ano na lamang ang mangyayari sa ating bansa? Mas lalong dadami ang mga taong kung hindi nakapagtapos ay hindi nakapag-aral. Kaya’t sang-ayon ako na kung hindi tanggalin ay dapat na isaayos ito. At isa pa, sinasabi ng pamahalaan na ang K-12 ay inihahanda ang mga tao sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Bakit kailangan mong ihanda ang mga nasasakupan mo sa pagtatrabaho sa ibang bansa? Hindi ba dapat hinahanda at hinuhubog mo sila para sa sarili nating bansa? At ang CM0 20, ako mismo ay hindi rin sumasang-ayon dito. Dapat na tangkilikin natin ang sariling atin dahil totoo naman na walang ibang tatangkilik dito kung hindi tayo lamang, kung itinuturo ang Ingles, mas nararapat na ituro ang Filipino. At tunay nga na ito na panahon na upang ipaglaban natin ang sarili nating wika lalo sa panahon ngayon na maraming pagbabago at mga kurikulum na idinadagdag sa edukasyon na taliwas sa ating prinsipyo. Dapat na mas yakapin, tangkilikin at mahalin natin ang sarili nating wika kesa sa ibang wika.

    YU, JENNY MARIE DP.
    BBF 3-3

    ReplyDelete
  48. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  49. "Wika ng Karunungan"

    Kamangmangan na naninirahan sa mga utak ng mga ignoranteng ayaw magbago para sa kanilang ikabubuti
    Kung ang ignorante man ay marunong sa wikang Inggles ay di nangangahulugang ligtas na siya sa kamangmangan
    Mahalin ang sariling wika, ang wikang ipinaglaban ng maraming bayani, ang wikang maraming pinagdaanan para lamang magkaroon tayo nang sariling pagkakakilanlan, ang wikang dapat ipagmalaki ng ating lahi
    Edukasyon lamang ang makakapagpalaya sa atin sa kamay ng kamangmangan at kahirapan. Mahalin ang sariling atin. Yakapin at ipagmalaki mo na ika'y isang Filipino!

    Juan Paolo S. Bangayan
    BSCoE/BPE 1-2N
    College of Human Kinetics
    Polytechnic University of the Philippines

    ReplyDelete